Monday, August 26, 2013

Abolish Pork Barrel: Pakigising Sila!

                                    


Gising kana ba? 
Kay tagal mong naidlip, sa iyong pagkakahimbing ako ay nainip...
Kay tagal kong hinintay, magdilat ang iyong mga mata,
Sa wakas ay nangyari, sanay huwag ng mapikit pa...

Mapalad ka parin, Ikaw ay nagising
Di tulad ng iba, na dilat ang mata ngunit nahihimbing...
Silay hindi Pipi, hindi rin naman mga bingi
Ngunit di makapagsalita at dirin makarinig.

Mapalad ka parin at di malabo ang iyong mga mata,
Sa ingay ay di nabibingi at hindi kailanman sa kislap ng salapi, ikaw ay napipi
Masdan mo ang iba, kawawa sila diba?
Kototohanan nakikita na, ngunti nagbubulagbulagan pa....

Hindi naman bingi, nagbibingi bingihan lang, 
Sapagkat takot silang marinig ang katotohanan.
Hindi rin naman pipi, matalas pa ang dilas, pero
Bakit kaya sa katotohanan ay di makapagsalita...

Humahanga ako sa taong tulad mo,
Hindi ka hawak ng kahit na sino...
Karapatan ng lahat ang inilalaban mo
Kaya magpatuloy ka, Kaibigan Ko....

Sa iyong layunin, di ka nag iisa
Sa pagkakahimbing ng iba...
Pakigising Sila....

Saludo Ako Sayo Kaibigan Ko!

Dedicated To All Filipino People Who Knows How To Fight For Their Rigths!

The Hero Of Our New Generation!

Image: https://www.facebook.com/DEFENDERS.OF.SABAH.AND.SPRATLY?filter=3

No comments:

Post a Comment

Ads by Google